-- Advertisements --
Makakasabak na ang Philippine mens volleyball team sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa buwan ng Mayo.
Ito ay isang araw matapos na hindi sila nakasama sa listahan ng SEA Games Organizing Committee ng isagawa nila ang pag-drawlots ng kanilang groupings.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na agad silang umpela sa organizing committee.
Pinayagan sila ng organizing committee na makalahok at magsagawa muli ng re-draw.
Pinasalamatan ni Tolentino ang Asiad Federation council at ang Cambodia SEA Games Organizing Committee.
Nagkaroon lamang umano ng problema sa input encoding kaya hindi nasama ang men’s volleyball team ng bansa.