ROXAS CITY – Patay ang isang menor de edad matapos malunod sa pinaliguang ilog sa Badbaran River sa Sitio Cabugao, Barangay Dacuton, Dumarao, Capiz.

Ang hindi na pinangalanang biktima ang may edad na 17-anyos at residente ng Mandurriao, Iloilo.

Nabatid na kasama ng biktima ang kaniyang mga kaibigan na pumunta sa ilog upang maligo.

Pauwi na ang mga ito nang bumalik pa ang biktima sa ilog upang muling lumangoy.

Ngunit hindi na nakaahon pa ang biktima at makalipas ang halos kalahating oras ay nakita na lamang itong palutang-lutang sa isang parte ng ilog.

Kaagad namang dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.