-- Advertisements --

Sa pamamagitan ng isang memorial service ay ginunita ng Italy ang mga taong naging biktima ng coronavirus disease.

Isinagawa ang nasabing pag-alala sa Bergamo, isa sa mga probinsya na pinaka-malalang tinamaan ng outbreak. Nagtipon-tipon ang mga mamamayan ng Bergamo sa isang sementaryo para bigyang-pugay ang mga taong namatay dahil sa virus.

Tampok sa seremonya ang Requiem Mass na isinulat ni Bergamo native Gaetano Donizetti. Isa ang Italy sa mga bansang naging epicenter ng pandemic.

Kinumpirma naman ng Italian government na umabot na ng 3, 130 katao ang namatay sa Bergamo dahil sa COVID-19 subalit hinala ng nakararami na hindi ito ang tunay na bilang ng mga nasawi.

Sa ngayon ay mahigit 240, 000 na ang kumpirmadong kaso ng deadly virus sa Italy habang nasa 188,891 katao na ang gumaling.