-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay on the spot ang isang mekaniko sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jake Mapurok Tacus,27 anyos,may asawa at residente ng Barangay Takepan Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police,Major Mautin Pangandigan na habang nakaupo lamang ang biktima harap ng Ramram Motorparts sa Brgy Poblacion Pikit Cotabato ay bigla itong nilapitan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang salarin at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa gilid ng national highway.

Agad binawian ng buhay ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.

Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.