CENTRAL MINDANAO- Patay ang isang mekaniko sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Anthony Bediot Catubig, 37 anyos, may asawa, mekaniko ng Mitsukoshi Philippines Inc at residente ng Brgy Poblacion 8 Midsayap North Cotabato.

-- Advertisement --

Ayon kay Midsayap Chief of Police, Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na habang nakatayo ang biktima sa harap ng Mitsukoshi Phils Inc sa Brgy Poblacion 8 Midsayap Cotabato kung saan siya nagtratrabaho ay bigla lamang dumating ang tatlong hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo at isa nito ang namaril kay Catubig gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa hindi matiyak na direksyon.

Naisugod pa ang biktima sa Midsayap Community Doctors Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Nagtamo ng tama ng bala sa noo at dibdib ang biktima kaya agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon ay may sinusundan ng anggulo ang Midsayap PNP sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.