Agad namang isinalang sa e-inquest proceeding sa Office of the City Prosecutor-Quezon City ang isang medical student na nagbebenta ng iligal na droga.
Ayon kay NBI-Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, inaresto ng NBI- Special Action Unit (NBI-SAU) sa buy-bust operation ang suspek na si Rose Vill Maldo alyas Arvie Maldo.
Humaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Comelec Resolution No. 10728 na may kaugnayan sa Omnibus Election Code at Article 172 o Falsification by Private Individual and Use of Falsified Document.
Inanunsiyo ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakaaresto ng medical student dahil umano sa p
Sinabi ni Distor na nag-ugat ang operasyon sa impormasyong natanggap ng NBI-SAU na isang medial practitioner ang nagbebenta ng Cannabis oil online.
Sinabi raw ni Maldo na ginagamit ang oil cannabis na gamot sa cancer, epilepsy, pain reliever at iba pang sakit at bilang additive sa e-cigarette/vape juice.
Matapos malaman ng mga otoridad ang naturang modus ay agad namang plinantsa ng mga otoridad ang isasagawang entrapment operation.
Nang magsagawa ang NBI-SAU ng buy-bust operation at nahuli ang suspek sa isang coffee shop sa Barangay Doña Imelda, Quezon City.
Nakuha ng mga otoridad sa suspek ang kabuuang 27 ml ng Cannabis oil, 9mm Taurus G3 pistol at ilang piraso ng bala at 9mm Taurus G3 pistol na mayroong ilang piraso ng bala.
Ang mga nakumpiskang illegal drugs ay agad namang isinumite s Forensic Chemistry Division (NBI-FCD) para sa laboratory examination at analysis.
Dito lumabas na positibo sa TETRAHYDROCANNABINOL ang kontrabando.
Ang naturang substance ay mapanganib sa kalusugan.
Sa pagtatanong mga otoridad, umamin ang suspek ang hindi ito lisensiyadong physician kundi isa itong medical student at isa itong intern.