Extended muna ang pagiging officer-in-charge si Undersecretary Bernardo Florence para sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ito’y makaraang payuhan ng kaniyang mga doktor si Interior Secretary Eduardo Año, na manatili sa kaniyang medical leave.

-- Advertisement --

Paliwanag ng mga manggagamot, kailangan pa ng kalihim ng dagdag na pahinga, upang ganap na makabawi mula sa pinagdaanan nitong kondisyon.

Matatandaang dinapuan dati ng COVID-19 si Sec. Año, habang ginagampanan ang kaniyang trabaho.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, kahit makabalik sa trabaho, payo ng mga doktor na maghinay-hinay pa rin ito para sa lubusang paggaling.