-- Advertisements --

Isinisi ng Commission on Higher Education (CHED) sa media ang hindi pagkakaunawaan ng academe at security Sector sa isyu ng planong pagpasok ng pulis at militar sa mga paaralan.

Ayon kay CHED chairperson Dr. Prospero De Vera, ang hindi pagkakaunawaan sa isyu ng pagtulong ng mga pulis sa pagbabantay sa mga paaralan ay bunga ng paggamit ng mga terminong tulad ng “militarisasyon” at “academic freedom” na aniya’y hindi nakakatulong at nakakalikha pa ng pangamba.

Sinabi ni Devera, ang “media hype” sa isyung ito ay sa Metro Manila lamang, dahil sa mga lalawigan ay maganda ang relasyon ng mga paaralan sa pulis at militar at nagtutulungan sila para matiyak ang kaligtasan ng mga magaaral.