-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Health posibleng magkaroon ng measles outbreak sa mga batang Pilipino sa susunod na taon kung mananatiling mababa ang immunization rates sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na nakikipag-usap na ang kagawaran sa World Health Organization na nagrekomenda na paigtingin pa ang routine vaccination matapos madiskubre na nasa halos isang milyong mga bata sa bansa ang wala pa ni kahit isang dose ng bakuna sa nakalipas na dalawang taon dahilan para maging vulnerable ang mga ito na mahawaan ng sakit.

Base sa data mula sa DOH, mula sa target na 95% immunization, tanging nasa 62.9% na bata at sanggol sa bansa ang fully immunizaed laban sa vaccine-preventable diseases. Halos 3 million mga bata naman ang walang measles vaccination.

Kayat ipinunto ng ahensiya na kailangan na mapalakas pa ang routine immunization sa mga bata at kailangan din ng whole of government at whole of society approach para masolusyunan ang naturang problema.

Paliwanag ng DOH official na ang pangunahing problema maliban sa hesitancy ng mga magulang kabilang ang pandemic-induced restrictions sa naging dahilan.

Samantala, pinawi naman ng DOH ang pangamba ng pagtaas ng covid-19 cases dahil sa pagbabalik ng F2F classes sa bansa.

Aniya natural na aniya na tataas ang mga kaso dahil sa pagtaas ng mobility habang ang virus ay nananatili pa rin.

Sa kabila nito, nagpakalat ang DOH ng kanilang surveillance and safety officers sa mga paaralan para ma-monitor sa mga klase kung nagdudulot ito ng hawaan ng covid-19.