-- Advertisements --

Isasapinal lamang ang kontrata ng sagupaan nina eight division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao at UFC star Conor McGregor, kapag natapos na ang UFC 257 fight.

Ito ang sinabi ng kampo ni Pacquiao, para makapag-focus si McGregor sa laban kay former interim UFC lightweight champion Dustin Poirier.

Para kay Pacman, mas maganda ang magiging laban kung parehong nakatuon ang buong atensyon ng dalawang fighter sa kanilang scheduled fight.

Kung matutuloy ang Pacquiao-McGregor bout, inaasahang magiging makulay ito dahil parehong agresibo sa ring ang dalawang kampeon sa magkaibang larangan.