IMAGE © https://www.instagram.com/p/BvxrIIunA2V/

Hindi nakaligtas sa mga bashers si sports host Gretchen Ho matapos nitong ipahayag ang pagka dismaya nito sa hindi pagsipot ni American boxing champ Floyd Mayweather sa isang press conference na ginanap sa Resorts World Manila.

Walong oras umano ang hinintay ni Gretchen at ng iba pang media personalities sa pagdating ni Mayweather ngunit bandang 11:00 ng gabi nang ianunsyo ng pamunuan ng Resorts World na hindi na makakarating si Mayweather.

Positibo pa rin ang pagtingin ng 28-anyos na host sa nangyari at iginiit nito na hindi siya umaangal sa hindi pagsipot ni Mayweather sa nasabing event.

Sa kabila nito ay may mga supporters pa rin si Gretchen na ipinagtanggol siya mula sa mga bashers.

Dumating si Mayweather sa bansa noong Linggo upang magbakasyon sa Boracay at ipinakilala rin ito bilang bagong endorser ng isang kilalang local cosmetic dermatology.