Kinumpirma ni retired US boxing champion Floyd Mayweather na inaayos na niya ang muling pagharap kay Conor McGregor.
Sinabi nito na magaganap ang nasabing laban sa 2023.
Paglilinaw nito na ang nasabing muling paghaharap nila ay isang uri lamang ng exhibition match imbes na actual boxing match.
Sa unang paghaharap kasi nila noong 2017 ay pinatumba ng 45-anyos na si Mayweather ang dating UFC Irish fighter.
Mula ng kaniyang magretiro matapos ang 50 wins at walang talo ay lumaban pa si Mayweather sa ilang mga exhibition fight.
Sa panig naman McGregor ay nagbabalak pa rin itong magbalik sa mixed martial arts matapos ang pagkatalo noon kay Dustin Poirier.
Inaasahan din ni UFC President Dana White na makabalik sa octagon si McGregor hanggang sa katapusan ng taon o sa 2023.