conor mcgregor MMA

Binatikos ni US undefeated boxing champion Floyd Mayweather Jr si UFC star Conor McGregor dahil sa anunsiyo nitong muling pagreretiro.

Sinabi ng Mayweather na hindi pa nito pagreretiruhin ang Irish fighter hangga’t hindi pa nito nakakaharap ang mga bigating pangalan.

Dagdag pa nito, kapag nagbago ang isip ni McGregor ay bukas itong makaharap siyang muli.

Magugunitang nagharapan ang dalawa noong taong 2017 sa boxing ring kung saan nabigo si McGregor.

Malaki rin ang paniwala ni Floyd na taktika lamang ni McGregor ang anunsiyong pagreretiro muli.

Nauna rito, inanunsiyo ni McGregor na tuluyan na itong magreretiro dahil hindi na raw siya nasisiyahan sa mga laban.

Ito na rin ang pangatlong beses na nag-anunsyo ng pagreretiro mula 2016 hanggang 2019 subalit bumabalik pa rin ito para lumaban.