Kinasuhan na ng Philippine National Police (PNP) Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) in Region IV-A (CALABARZON) ang isang alkalde mula sa lalawigan ng Cavite dahil sa umano’y pagpapakalat ng fake news.

Ayon sa mga otoridad, may kinalaman ang ipinakalat na maling impormasyon sa sensetibong usapin ng coronavirus disease (COVID-19).

Kinilala ng PNP ang inaakusahang alkalde na si Noveleta, Cavite Mayor Dino Chua.

Kabilang umano sa naipakalat na impormasyon mula sa Facebook account na pag-aari ni Chua ang mga larawan at post na nagsasabing may namatay nang COVID-19 patient sa Cavite Medical Center na wala naman palang katotohanan.