-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Inihayag ng isang political analyst na si Manila Mayor Isko Moreno pa rin ang nakikitang pinakamalaking banta sa administrasyon para sa 2022 presidential elections.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Prof. Clarita Carlos, Political Science Professor ng University of the Philippines (UP), halos nagkakatapat pa rin sina Yorme at Davao City Mayor Sarah Duterte pag dating sa survey para sa mga presidential bets na iboboto ng mga Pilipino.

Inaasahan naman na aabot hanggang sa anim ang magiging presidential candidates sa bansa kasama na sina Senador Manny Pacquiao, Senador Panfilo Lacson, dating Senador Bongbong Marcos, Moreno, Mayor Sarah at ang magiging pambato ng 1Sambayan na posibleng si Bise Presidente Leni Robredo.

Payo naman ni Prof. Carlos sa oposisyon, na sundin ang mungkahi ni Robredo na magkaroon ng tig-isang pambato sa Pangulo at Pangalawang Pangulo na tatapat sa administrasyon, lalo pa’t nananatili umanong mataas ang popularidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.