cropped isko moreno manila
-- Advertisements --

Bumuwelta si Manila Mayor Isko Moreno kay Pangulong Rodrigo Duterte na mas malaki pa umano ang oras sa paghahanap at pagtingin sa mga sexy photos sa halip na tutukan ang problema sa COVID-19.

Kung maaalala una nang nagpasaring ang Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Metro Manila mayor daw na nag-model na naka-brief lamang noon na hindi karapat dapat maging public official.

Bagamat hindi pinangalanan ng pangulo ang incumbent local chief executive marami ang naniniwala na ang kanyang pinapatungkulan ay si Mayor isko na isang dating actor at pinaniniwalaang tatakbo rin sa pagka-presidente sa 2022.

Sagot naman ni Moreno, anuman ang kanyang nagawa sa showbiz ng kanyang kabataan ay hindi niya ito itinago.

Ang kanyang buhay daw ay isang bukas na libro at ito raw ang nag-ahon sa kanyang buhay at pamilya mula sa kahirapan.

-- Advertisement --

Nagtataka naman ang alkalde kung bakit abala raw sila sa pagtingin sa kanyang larawan nang nakaraan sa halip na asikasuhin at tingnan ang mga larawan ng mga namamatay at nagkakasakit sa COVID-19.