Iginiit ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na “self-explanatory” naman ang usap-usapan niyang obra sa idinaos na art fair noong nakaraang linggo.

Ayon sa 53-year-old actor-politician, ang kanyang obra ay “self-explanatory. Given a deeper thought, it shows lust, self pleasure and power.”

Ang naturang painting na may titulong “OOOOHH” ay nagpapakita ng isang maselang bahagi ng katawan ng lalaki na kulay dilaw, at umano’y nagkakahalaga ng P196,000.

Nabatid na hati ang reaksyon ng mga netizens sa naturang kontrobersyal na painting ni “Goma” kung saan may mga natawa lamang, habang may mga nadismaya rin, at may ilang iniugnay pa ito sa politika.

Nilinaw naman ng alkalde na 1990s pa lang ay gumuguhit na siya at mahilig din mangolekta ng painting. (photo from Jayvee Araneta)