Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga local government offices na magsagawa ng mahigpit na inspeksyon ng mga negosyong tumatakbo sa loob ng mga subdivision at iba pang residential areas.
Ang inspeksyon ay isasagawa ng business permits and licensing department, department of building official, zoning administration unit at Quezon City fire district.
Inilabas ni Belmonte ang direktiba kasunod ng sunog sa isang residence-turned-manufacturing site sa Pleasant View Subdivision, Barangay Tandang Sora na ikinamatay ng 15 katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang.
Nabigo ang mga may-ari ng MGC Wearhouse Inc. na ibunyag ang tunay na katangian ng negosyo.
Wala rin itong building permit at hindi na na-renew ang fire clearance nito matapos itong mag-expire noong nakaraang taon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, isang special panel of investigators ang binuo upang tingnan ang insidente.