Target ng West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc na mabawasan ang naaksayang tubig ng 162 million liters kada araw ngayong 2023.
Ito ay katumbas ng 73 punong Olympic-size na swimming pools kada araw na sapat para masuplayan ang pangangailangan sa tubig ng nasa 162,000 konsumer.
Layunin ng kompaniya na mabawi ito sa pamamagitan ng pagsasaayos sa 36,000 tubo na tumatagas at pagpapalit sa 180 kilomterong lumang mga tubo sa parte ng Caloocan, Quezon city, Valenzuelan city, Malabon, Manila, Parnaque, Las Pinas, Muntinlupa at sa Imust at Kawit sa probinsiya ng Cavite.
Ayon kay Maynilad Chief Operations Officer Randolph Estrellado, ang naturang network updates ay kailangan upang patuloy na mabawasan ang naaaksayang tubig at mapadami ang suplay ng tubig para sa matustusan ang pangangailangan ng mga customer nito.