-- Advertisements --

Pinatawan ng financial penalties ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Maynilad Water Service Inc. sa kabiguan nitong makapagbigay ng serbisyo sa mga customers nito sa loob ng 24 oras sa isang linggo.

Sa isang statement nitong araw, sinabi ni MWSS chief regulator Patrick Ty na ang kabiguan ng Maynilad na makapagbigay ng round-the-clock service ay paglabag sa obligasyon nito sa ilalim ng concession agreement.

Ayon kay Ty, inatasan na ng MWSS Board of Trustees ang Maynilad na bigyan ng rebate ang kanilang customers na malubhang apektado sa mga identified area, sa halagang P2,500 per water service connection.

Subalit, sinabi ng naturang water concessionaire na hindi pa nila natatanggap ang impormasyon ukol dito mula sa MWSS.