-- Advertisements --
image 408

Nag-abiso ang Maynilad sa mga residenteng maapektuhan ng mahaba-habang water interrupion kada araw lalo na sa ilang bahago ng Las Piñas City at sa may Bacoor at Imus sa lalawigan ng Cavite mula sa araw ng Miyerkules, Hunyo 28 hanggang Agosto 8 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa Maynilad, mararanasan ang water service interruption mula alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng umaga.

Paliwanag ng kompaniya na ang dahilan ng water service interruption ay bunsod ng isasagawang pagpapalit sa tatlong ultrafiltraion membranes sa Putatan water Treatment Plant 2 kung saan nasa 11 pa dito ang nakatakdang palitan sa mga susunod na araw.

Ang mga aktibidad na ito ay bilang paghahanda na rin sa Amihan season kung saan inaasahang mararanasa sa ika-4 na quarter ng 2023.

Humingi naman ng paumanhin ang kompaniya sa abalang dulot ng water service interruption at inihayag na alinsunod lamang ang naturang mga proyekto sa kanilang pagsisikap na magkaroon ng tuluy-tuloy na suplay ng tubig.