-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Maynilad at Manila Water matapos umanong mabigo na magbigay ng abiso sa mga customer hinggil sa aberya ng serbisyo nito.

Sa isang panayam sinabi ni MWSS chief regulator Atty. Patrick Ty, naipadala na ng kanyang tanggapan sa dalawang water concessionaire ang babala kaugnay ng reklamo.

Sa ngayon pinag-aaralan na raw ng ahensya ang parusa na posibleng harapin ng Maynilad at Manila Water dahil sa unscheduled water interruptions.

Batay sa panuntunan na sinusunod ng MWSS, maaari itong magpataw ng penalty sa concessionaire kung nagtuloy-tuloy ng hanggang 30-araw ang aberya sa tubig.