-- Advertisements --

Magbibigay ang Maynilad ng fire trailers sa ilang Local Government Units na nasasakupan nito para umano makatulong sa firefighting capabilities at mas mapalakas ang emergency response ng mga ito ngayong Fire Prevention Month.

Nagsimula na raw silang mamahagi ng initial five units na may 1,000-liter capacity sa Caloocan, Paranaque, Las Pinas, Navotas, at Muntinlupa. 

Ang mga fire trailers ay dinesenyo para sa mga overcrowded areas na may maliliit na daan kung saan hindi makakapasok ang mga fire truck. Umaasa ang Maynilad na sa pamamagitan ng fire trailers ay mas magiging mabilis ang pag-responde sa mga sunog sa overcrowded areas. 

Ayon din sa Maynilad ay laging nakahanda ang 5,000 fire hydrants sa West Zone sakaling ito ay kailanganin.