Pinapanagot ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr, chairman ng Senate Committee on Public Works ang
Maynilad at ang mga kontraktor nito sa kontrobersiyal na sinkhole o ang pagkakaroon ng isang malaking butas sa gitna ng Sales Road sa Pasay City kahapon, Abril 14.
Binigyang diin ni Revilla na dapat talagang managot ang nabanggit na water concessionaire upang higit silang maging reponsable sa magiging epekto ng kanilang ibinibigay na sebisyo.
Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang naturang “sinkhole” ay sanhi ng tagas mula sa water pipeline ng Maynilad Water Services, Inc.
Ang bukana ng sinkhole ay may sukat na 2 meters by 3 meters ngunit ang loob ng butas ay higit na mas malawak kumpara sa bukana na may lalim na 8 hanggang 10 talampakan.
Iginiit ng mambabatas na dapat mapanagot ang Maynilad at ang mga contractors nila dito dahil sa panganib na maidudulot nito sa mga motorista at kung lumala ay tiyak apektado na rin ang mga gusali sa lugar at ang pundasyon ng NAIAx elevated highway.
Ipinunto pa ni Revilla na hindi lamang isang beses pumalpak ang Maynilad kundi maraming beses na ito kung kayat nararapat lamang na ngayon ay mapanagot ito.S