Pres Duterte and Mrs Pimentel
Pres. Duterte and Mrs. PImentel

CAGAYAN DE ORO CITY – Umaasa ang may bahay ng namayapang ama ng local government code na mananatiling buhay sa puso’t isipan ng mga Pilipino ang mga nagawa nitong kabutihan sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Lourdes “Bing” Pimentel, na simula’t sapul ay naging transparent ang buhay ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr. lalong lalo na sa pakikibaka nito na mapanatili ang ating demokrasiya.

Aniya, hindi rin umano matatawaran ang mga nagawa ni Nene para mabigyan protesksiyon ang taongbayan at mapalakas ang sistema ng pamahalaan sa pamamagitan ng kanyang pangunahing isinulong na Local Government Code.

Ayon kay Mrs. Pimentel kahit sumakabilang buhay na si Nene, hindi sana makaligtaan ang ipinamalas nitong kabutihan, katapangan at pagmamahal sa bayan.