Apol 1
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Opisyal nang nanumpa bilang Municipal Councilor ng bayan ng Libungan Cotabato si Angel Rose ‘Apol’ Lumanlan-Cuan.

Siya ang maybahay nang napaslang na alkalde ng bayan na si Mayor Christopher ‘Amping’ Cuan.

Nanumpa si Cuan sa harap ni Cotabato Governor Nancy Catamco na sinaksihan nina Mayor Francis Aris Yu, kapatid nitong si Annabelle Marie Lumanlan, Provincial Legal Officer Atty. John Paul Zarrudo at Libungan Municipal Administrator Ruben Espabo.

Binati naman agad ng Gobernadora si Cuan sa panibagong yugto ng kaniyang buhay at nagbigay na din ng patnubay at gabay hinggil rito.

Si Cuan ang hahalili sa nakabakanteng posisyon sa Sangguniang Bayan ng Libungan dahil sa pag-angat sa pwesto bilang Mayor ni Francis Aris Yu at Vice Mayor ni Jimboy Fullecido.

-- Advertisement --

Nagpahayag naman si Cuan ng pasasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa kaniya at tiniyak nitong ipagpapatuloy ang mga adhikain at pangarap ng kaniyang yumaong mister para sa bayan ng Libungan.

Kung matatandaan, napatay si Mayor Cuan ng hindi pa nakikilalang mga suspek nitong nakaraang buwan ng Enero lamang.

Kaugnay nito, matapos ang isinagawang panunumpa ay nagbigay naman ng updates si Cotabato Provincial Police Office (CPPO) Director Col. Henry Villar tungkol sa kaso mula sa nabuong Cuan Investigation Task Group.