Nagbigay na ngayon ng katiyakan ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na sapat ang suplay ng kuryente at walang mararansang power interrupiton sa araw mismo ng halalan sa buwan ng Mayo.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, sa ngayon ay tuloy-tuloy daw ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga major power supplies at sa mga electric cooperatives sa buong bansa para matugunan ang isyu sa power supply pagdating ng halalan.
Dagdag ni Jimenez, mayroon na raw silang binuong working group na tututok dito na siyang makikipag-ugnayan sa iba’t ibang power producers sa bansa.
Isa raw sa mga unang hakbang ay ang pagbibigay ng petsa kung kailan mararanasan ang critical period o critical points ng election process.
Kaya naman kung magsasagawa ang mga electric companies ng schedule power interruptions gaya ng maintenance breaks ay kailangan nila itong malaman para maiwasan ang critical moments.
Sinabi pa ni Jimenez na noong nagsagawa ang Comelec ng mock elections sa Pasay City noong December ay nagsagawa rin ang Meralco ng kanilang sariling parallel dry run.
Sa mga nakaraang halala, mayroon namang naka-standby na power generator ang Comelec sakaling magkaroon ng power interruption lalo na’t automated na ang halaan.