ILOILO – Iginiit ni dating Batanes Lone District Rep. Carlo Oliver Diasnes at ngayon may ari ng Stephanie Coliseum sa Brgy. Balabag, Dumangas, Iloilo na kumpleto sa dokumento ang ipinatayo niyang sabungan at napalitan na ang mga typographical error upang maiwasan ang anumang aberya.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay dating Batanes Lone District Rep. Carlo Oliver Diasnes sinabi nito na nabigyan ng prangkisa para sa 25 taon ang limang ektaryang compound ng Stephanie Coliseum na pagmamay-ari niya.
Ayon kay Diasnes, wala siyang plano na sampahan ng kaso ang mga pulis na nagsagawa ng joint operation.
Ani Diasnes, nais nilang magepla sa korte upang malinawan tungkol sa Presidential Decree 1602 o ang pagbibigay ng parusa sa nagsasagawa ng illegal gambling.
Dagdag pa ni Diasnes, nangyari ang pintakasi 100 metros mula sa cockpit arena ngunit pasok parin sa compound ng Stephanie Coliseum.
Nilinaw rin ni dating Batanes Lone District Rep na hindi niya ipinangako na magbayad ng pyansa at ang tangi lang niyang ipinangako ay ang pagkuha ng abogado upang matulungang mabawi ng 154 na sabungero na nahuli na nagsasagawa ng pintakasi ang kanilang mga pera.
Matatandaan, na sinampahan na ng kaso ang 154 na sabungero nagsagawa ng pintakasi sa labas ng lisensyadong cockpit arena.