-- Advertisements --

May pananagutan ang may-ari at contractors ng construction project sa Skyway Extension site sa Muntinlupa sa pagbagsak ng steel grider noong Sabado, ayon sa isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Engr. Noel Binag, executive director ng occupational safety and health center ng DOLE, makikita sa mga videos nang mangyari ang aksindente na walang traffic enforcers at warning signs sa lugar.

Nabatid na isa ang patay habang apat naman ang sugatan nang tumagilid at bumagsak sa grider ang isang crane sa northbound lane ng Skyway extension project.

Kahapon, nagpaabot ng tulong ang San Miguel Corporation at humingi na rin ng paumanhin ang presidente nito sa mga biktima ng aksidente.

Sinabi ni Binag na kailangan ng kompanya na maghain ng incident report sa DOLE sa loob ng 24 oras o mahaharap sa karampatang multa.

Sa oras na kanilang matanggap ito, kaagad namang i-validate ng DOLE ang naturang report bago gagawa ng technical report na maaring gamitin naman ng pamilya ng mga biktima sa paghahain ng reklamo.