-- Advertisements --

Ibinahagi ng aktres na si Maxene Magalona ang karanasan nito matapos na ma-stranded sa Dubai.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga larawan ng kalagayan nila kasama ang nobyong si Geoff Gonzales.

Sinabi nito na naka-alerto ang United Arab Emirates dahil sa banta ng airstrike at drone strike mula sa Iran.

Pinasalamatan nito ang negosyanteng si Elizabeth Digna Ventura na tumulong sa kanila para maging kalmado.

Tiniyak naman nito sa mga fans na ligtas siya at nananatiling mapayapa naman ang kinalalagyan niyang lugar.