-- Advertisements --

Kaabang-abang ngayon ang paghaharap ng seeded number 3 na Minnesota Timberwolves at seeded number 6 na Phoenix Suns sa Game 3 ng best-of-seven Western Conference 1st round.

Hawak ng Timberwolves ang kalamangan na 2-0 kung saan sila ay dadayo sa Footprint Center sa Phoenix, Arizona.

Noong nakaraang Game 2 kasi ay dominado ng Wolves ang laro sa kanilang home court 105-93 kung saan anim na mga manlalaro nila ang nagtala ng double digits sa pangunguna naman ni Jaden McDaniels na mayroong 25 points at walong rebounds.

Sa panig ng Suns ay asahan ang pagiging dominante ng mga pangunahing manlalaro nila sa pangunguna ni NBA star Kevin Durant, Devin Booker at Bradley Beal.

Sa ibang laro naman ngayong araw ay kapwa mayrong 1-1 na bentahe ang Milwaukee Bucks at Indiana Pacers ganun din ang Los Angeles Clippers at Dallas Mavericks.

Inaasahan ng Los Angeles Clippers na magiging mas agresibo na ang Dallas Mavericks sa kanilang Game 3 round 1 ng Western Conference playoffs matapos na sila ay talunin sa kanilang sariling court.

Tabla na kasi sa 1-1 ang serye kung saan sa 10 laro na nagharap ang Clippers at Dallas ngayong season ay mayroong anim na panalo at apat na talo ang Clippers.

Isa sa mga inaasahang magiging pambato ng Clippers ay si James Harden at Paul George subalit naging malaking hamon para sa kanila dahil sa hindi pa tiyak kung makapaglaro ng tuluyan si Kawhi Leonard.

Target naman ng Mavs na maitala ang pangalawang sunod na panalo matapos ang 96-93 na panalo noong Game 2.

Pinangunahan ni Luk Doncic ang Mavericks kasama si Kyrie Irving at PJ Washington.

Magiging kakulangan para Mavs ngayon ang hindi paglaro ni Tim Hardaway Jr na nagtamo ng ankle injury.