Nagtala ng kasaysayan sa NBA si Dallas Mavericks star Luka Doncic.
Ito ay matapos na makagawa siya ng 60-points ‘triple-double’ ng talunin nila sa overtime ang New York Knicks sa score na 126-121.
Sa huling segundo ng laro ay lamang ang Knicks 115-113 ng hindi maipasok nito ang free-throw.
Nakuha ni Doncic ang rebound at naipasok nito ang jumpshot para madala ang laro sa overtime.
Inamin nito na nasuwertehan lamang niya ang pagkakakuha niiya ng bola matapos na hindi naipasok ang freethrow.
Mayroong ito ng kabuuang 60 points, 21 rebounds at 10 assists ang 23-anyos na Slovenian player.
Siya lamang ang pang-pito at pinakabatang manlalaro sa NBA na nagtala ng 50-point triple-double.
Dahil sa panibagong record ay umani ito ng mga paghanga mula sa kapwa NBA players nito gaya ni retiradong si Kevin Garnet, DeMar DeRozan ng Chicago Bulls, Kyle Kuzma ng Washington Wizards at Kevin Durant ng Brooklyn Nets.