-- Advertisements --

1stID3

Napigilan ng militar ang planong terror attack ng Maute-Isis terror group sa bansa.

Ito’y matapos marekober ng mga sundalo ang nasa 45 assorted high powered firearms ng teroristang grupo sa Maguing, Lanao del Sur.

Bukod sa mga armas narekober din ng militar ang mga karagdagang labi ng mga Daulah Islamiyah terrorists na nasawi sa paglusob ng mga sundalo kamakalawa sa kanilang kampo sa Maguing, Lanao del Sur.

Ayon kay Philippine Army 103rd Brigade commander Brig. Gen. Jose Maria Cuerpo II, umakyat na sa pito ang bilang ng mga nasawing kalaban, matapos ang air strike ng inilunsad ng militar sa kuta ng mga terorista sa Bgy. Ilalag, bayan ng Maguing.

Ayon sa Heneral, kinukumpirma pa nila kung kasama sa mga nasawi ang lider ng grupo na si Faharudin Hadji Satar alyas Abu Zakaria, na sinasabing Bagong Emir ng ISIS sa Southeast Asia.

Sa report ng militar kasama si Zakaria sa grupo ng Maute-ISIS na binomba ng FA50 fighter jet at Super Tucano ng PAF.

1stID2

Sinabi Cuerpo na may nakuha silang dokumento na si Zakaria ang kino kontak ng kanilang foreign terrorist counterpart.

Hirap din matukoy ng militar ang identities ng pitong nasawing terorista dahil nagkalasog lasog ang katawan ng mga ito.

Iniulat ni Cuerpo na narekober din ng mga tropa sa kuta ng kalaban at narekober ang 45 samut saring matataas na kalibre ng baril na kinabibilangan ng tatlong caliber 50 machine gun, isang caliber 30 machine gun, dalawang cal 50 rifle type na belt-fed, mga m16, m14, m203, at mga improvised explosive device (IED).

Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy ang pagtugis ng mga tropa sa mga nalalabing miymebro ng teroristang grupo na nagsitakas matapos ang labanan.