Pinal na ang desisyon ni Maui Taylor na ipatanggal ang silicone sa kanyang dibdib.

Ayon kay Maui o Maureen Anne Tupaz sa tunay na bujay, katunayan ay nakapagpa-schedule na siya ngunit naaantala lamang dahil abala sa mga taping.

Nahihirapan na aniya sa bigat ng kanyang dibdib kung saan nagmumukha siyang malaki, gayong maliit lang talaga siya.

Kaya naman payo nito sa bagong henerasyon ng sexy stars, mas mabuting huwag nang magpa-enhance ng boobs o magparetoke pa sa katawan dahil hindi na big deal ang pagkakaroon ng malulusog na dibdib.

“Ngayon kasi, puwede kang maging sexy kahit flat-chested ka, e. Puwede kang maging sexy kahit wala kang puwet o balakang. Napu-project ng artista iyon. Nung panahon kasi namin, uso talaga iyong malaki ang hinaharap,” saad ng dating miyembro ng sexy all-girl group na Viva Hot Babes sa pep.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay happily married na ang 37-year-old actress sa isang non-showbiz guy at nabiyayaan sila ng dalawang anak.

Kabilang sa hit movies ni Taylor noong sexy star pa ay ang “Tatarin,” “Ang Huling Birhen sa Lupa,” at iba pa.