-- Advertisements --

Inaasahang makakaranas ang kalakhang Metro Manila ng matinding tagtuyot susunod na mga buwan.

Sa gitna ito ng patuloy na nararanasang epekto ng El Nino phenomenon sa buong Pilipinas.

Sa abiso ng isang state weather bureau, asahan sa darating na buwan ng Abril at Mayo na mararanasan buong National Capital Region ang “meteorollogically drought condition”.

Ibig sabihin ay makakaranas ng mas mahabang dry spell ang buong rehiyon na una nang nagsimula noong nakaraang buwan at magpapatuloy pa hanggang sa mga susunod pang mga buwan.

Ang meteorolically drought condition ay nararanasan tuwing nagkakaroon ng malaking pagbaba sa antas ng ulan sa loob ng tatlo hanggang limang magkakasunod na buwan.

Samantala, dahil dito ay patuloy namang inaabisuhan ngayon ang publiko na magtipid sa pag-konsumo ng tubig ngayong panahon ng matinding tag-init. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)