Sogod flood a
-- Advertisements --
Sogod evacuees

CEBU CITY – Apektado ang limang barangay sa bayan ng Sogod Cebu matapos ang matinding pagbaha na nararanasan dulot ng malakas na pag-ulan kahapon na umabot sa tatlo hanggang apat na oras.

Kasama sa apektadong lugar ay ang Damulog, Bawo, Poblacion, Ibabao.

Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Police Staff Sergeant Ivan Ray Dabidon ng Sogod Police Station, sinabi nitong agad namang nailikas ang aabot sa 120 pamilya na kasalukuyan ngayong nanunuluyan sa evacuation center at ang iba ay sa simbahan.

Sinabi pa ni Dabidon na wala namang matinding pinsala ang baha maliban nalang sa puno ng putik ang loob ng kabahayan matapos pinasok ng tubig baha.

Sa kabutihang palad, wala naman umanong naitalang casualties.

-- Advertisement --

Umabot pa sa 230 na pamilya ang apektado sa naranasang matinding pagbaha.

Nagpaabot na rin ng tulong ang pamahalaang lungsod sa mga apektadong indibidwal.