Mararanasan pa ang hindi pangkaraniwang napaka-init ng panahon sa Pilipinas hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo.
Ayon kay state weather bureau forecaster Glaiza Escullar lahat ng lugar sa bansa ay inaasahan na makakaranas ng mas mainit na temperatura hanggang sa ikalawang linggoo ng Mayo.
Mayroon din aniyang posibilidad na lumagpas pa sa temperatura ngayon ang maitala sa susunod na buwan.
Ito ay kasunod na rin ng record high na 45 degrees celsius na naitala sa capital ng PH na Maynila nitong araw ng Linggo.
Una rito, ang buwan ng Marso, Abril at Mayo ay kadalasang pinakamainit at pinakatuyot na mga buwan kada taon subalit ang sobrang init na nararanasnag ngayong taon ay pinalala pa ng El Niño phenomenon.
Ito ay sa kadahilanang ang PH ang isa sa mga bansang most vulnerable sa El Niño.