-- Advertisements --

Hindi mamaliitin ng USA Basketball team ang Australia na kanilang makakaharap sa semifinals ng Tokyo Olympics ngayong araw ng Huwebes.

Sinabi ni US guard Zach LaVine na kanilang hihigpitan ang depensa laban sa Australian players.

Ayon naman kay Australian guard Patty Mills na halos lahat ng mga manlalaro nila ay may karanasan na sa pagsabak sa Olympics kaya napaghandaa na nila ang pagharap sa powerhouse team na USA.

Tiwala si Australian guard Matthew Dellavedova na matatapatan nila ang US basketball team.

Nauna ng tinalo ng Australia ang US 91-83 sa kanilang exhibition game at tinalo ng France ang USA sa opening game ng Olympic men’s basketball.

Kasama sina Mills, Dellavedova at Joe Ingles ng magtapos sa pang-apat na puwesto ang Australia sa loob ng apat na beses kabilang na ang Rio Olympics 2016.

Maghaharap ang US at Australia sa umaga sa Saitama Super Arena at sa gabi naman ay makakaharap ng France ang Slovenia at ang sinong manalo ay maghaharap sa finals sa Sabado.