-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tuluyan nang sinibak sa tungkulin ang dating hepe ng Iloilo City Proper Police Station na si Police Major Rio Maymay dahil sa kaugnayan nito sa iligal na droga.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Joseph Celis, director ng National Police Commission (NAPOLCOM)-6, sinabi nito na 2016 pa nang inilabas ng NAPOLCOM en banc ang dismissal order laban kay Maymay at noong nakaraang linggo naman inilabas ang implementation order na itinuturing na executory.

Ayon kay Celis, kasong administratibo na grave misconduct ang isinampa noon kay Maymay na assigned ngayon sa Antique.

Si Maymay ay kabilang sa listahan ng “narco-cops” ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 sa mga opisyal ng pulis na may kaugnayan sa illegal drugs.

Maliban kay Maymay, sinibak din sa trabaho si dating Police Col. Ipil Dueñas na assigned sa Iloilo City Police Office dahil sa pareho ring kaso.