-- Advertisements --
image 305

Nakatakdang magpulong sa Maynila ang mga matataas na opisyal ng militar ng Pilipinas at US sa Manila sa mga darating na araw upang talakayin ang mga programa sa tulong at malalaking pagsasanay.

Sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na ang pagpupulong ay bahagi ng taunang aktibidad ng Mutual Defense Board at Security Engagement Board (MDB-SEB).

Idinagdag niya na ang pagpupulong ay naglalayong magtakda ng course of action sa pamamagitan ng mga assistance program, large-scale exercises, at mga palitan ng opinyon sa pagitan ng dalawang militar.

Ayon kay Carlson, ang mga pakikipag-ugnayan na ito ay makatutulong na palakasin ang alyansa ng US at Pilipinas.

Gayundin na bumuo ng tiwala at mapahusay ang interoperability para sa proteksyon ng dalawang magkaalyadong bansa.

Nauna nang sinabi ng White House na ang pagpupulong ay bubuo at kukumpleto sa bilateral meeting nina US President Joe Biden at Kamala Harris kay Pang. Marcos sa Washington noong Mayo 2023 at ang pagbisita ng Bise Presidente sa Pilipinas noong Nobyembre 2022.