Nagpositibo sa COVID-19 si dating senador at incoming presidential counsel Juan Ponce Enrile.
Sa kaniyang social media ay kinumpirma nito ang pagpositibo sa virus kaya hindi na ito makakadalo sa oath-taking ceremony ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.
Kasakaluyang naka-confine ang 98-anyos na si Enrile sa Makati Medical Center.
Sinabi nito na wala itong anumang sintomas na naramdamana at normal umano aniya ang kaniyang temperatura.
Pinasaringan nito ang mga kritiko sa huwag muna silang magdiwang dahil hindi muna ito mamamatay.
Taong 2016 ng ianunsiyo niya ang pagreretiro sa pulitika matapos ang paninilbihan nito sa iba’t-ibang posisyon sa gobyerno.
Naging 21st Senate President ito sa 15th Congress mula 2008 hanggan 2013.