Binati ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa matagumpay at produktibong paglahok nito sa ika-44 at ika-45 ASEAN Summits and Related Summits na ginanap sa Laos kamakailan.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang istratehikong diplomasya ng Pangulo ay nagresulta makabuluhang tagumpay para sa pambansang interes ng bansa, partikular sa pagpapatibay ng suporta sa panawagan ng bansa na itaguyod ang international law, partikular ang UNCLOS at ang mapayapang paglutas ng mga alitan sa South China Sea.
Idinagdag niya ang makabuluhang kontribusyon ni Pangulong Marcos upang mapagkasundo ang mga miyembrong kasapi ng ASEAN upang palawakin ang kooperasyong pang-ekonomiya na lilikha ng mas maraming pamumuhunan at trabaho para sa mga Pilipino.
“The President’s adept handling of the Philippines’ ASEAN engagements has once again demonstrated his strong leadership and unwavering commitment to protecting and promoting our nation’s interests on the international stage. His engagements contributed towards expanded economic cooperation not only among ASEAN member states but also with its dialogue partners, which is expected to create more investment opportunities and jobs for Filipinos,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Kasunod ng pakikipagpulong sa SHERA Public Company Ltd. sa sidelines ng ASEAN Summit, inanunsyo ni Pangulong Marcos ang plano ng kompanya na maglagak ng P2.9 bilyong pamumuhunan sa Pilipinas at makapag patayo ng fiber cement building materials para sa lokal na merkado at maging pang-export.
Idinagdag ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel na ginampanan ni Pangulong Marcos sa mga talakayan na magpapalakas ng kolektibong pagtugon ng ASEAN sa isyu ng kalamidad, na isa ring isyu na kritikal sa Pilipinas.
Pinuri ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos sa kanyang walang-sawang pagsisikap na itaas ang katayuan ng Pilipinas sa ASEAN.
“The President’s leadership has once again secured vital agreements and strengthened our diplomatic relations, which will benefit the Filipino people for years to come,” sabi pa ni Romualdez.