-- Advertisements --
Pasok na sa ikalawang round ng Hong Kong Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na hindi tinapos ng kaniyang kalaban na si Katie Boulter ng United Kingdom ang ikalawang round dahil sa injury 6-4, 2-1.
Hawak ng 20-anyos na si Eala ang kalamangan sa second round ng itinigil ang laro.
Nagpaabot naman ng agarang paggaling si Eala para kay Boulter.
Susunod na makakaharap ni Eala si Victoria Mboko ng Canada para sa Round of 16.
















