-- Advertisements --
Naniniwala ang Department of Agriculture na mayroong mataas na bilang na ani ng mga magsasaka sa bansa ngayong taon.
Ayon sa DA na hindi malayong aabot ito sa 21 milyon metric tonelada ang ani kahit na may banta ng El Nino.
Ang projection ng DA na 20.881 milyon metric tonelada ngayong taon ay apat na porsyento na mas mataas ng 20.059 milyon metric tons noong nakaraang taon.
Ilan sa mga nakitang paraan ng DA kaya tumaas ang ani ay ang pamimigay nila ng high-quality rice seeds, magandang pamamahagi ng fertilizers at mababang post-harvest losses.