-- Advertisements --

Inihayag ni House Majority Leader Mannix Dalipe na ang mataas na rating na nakuha ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay patunay na epektibo ang pamumuno nito sa House of Representatives.

Sinabi ni Dalipe na naging totoo na ang Kamara ay “House of the People” sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez dahil nakasentro sa publiko at mahihirap ang mga ginagawa nito.

Sinabi ni Dalipe na ang “first-in- last-out” brand ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay nagsilbing inspirasyon sa mga miyembro ng Kamara at Secretariat upang magsumikap sa pagtatrabaho.

Ayon kay Dalipe ang survey ay gagamitin ng Kamara bilang gabay sa mga gagawin nitong polisiya ng gobyerno.

Kinilala rin ni Dalipe ang mga mahahalagang panukala na naipasa ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez.