-- Advertisements --
Inaasahan umano ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mabilis na pag-angat ng inflation rate ngayong buwan kumpara sa nakalipas na buwan.
Sa forecast ng central bank, tinataya nito na aabot sa pagitan ng 5.6% hanggang 6.4 percent ang July inflation.
Nakapaloob pa sa BSP forecast na ang pagtaas ng mga bilihin at serbisyo nitong buwan ng Hulyo ay mas mataas sa 6.1% inflation rate na nairekord noong nakalipas na buwan ng Hunyo.
Sinasabing ito ang pinakamabilis kumpara noong October 2018 na umabot sa 6.9 percent ang inflation.
Paliwanag pa ng BSP ang mas mataas na inflation nitong buwan ay bunsod ng mabilis din na pagtaas ng ilang pangunahing bilihin, pagpapatupad ng transport fare hikes, at ang paghina ng piso kontra dolyar.