-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -Ikinabigla umano ng Commission on Elections sa bayan ng Aguilar dito sa lalawigan ng Pangasinan ang sinapit ng isang kandidato sa Brgy. Bayaoas sa naturang bayan.

Sa mensahe ni Marissa Marjerie L. Mensiguarin, Election Officer III ng nasabing opisina, sinabi nito na agad na nakipagdayalogo ito sa mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections nang mabalitaan nito ang nangyari kay Arneil Adolfo Flormata, 41-anyos.

Sa ngayon aniya ay masusi pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa pangyayari.

Aniya na ikinagulat nila ang ginawang pamamaslang sa biktima kung saan ay pinagbabaril ito dakong alas onse y media ng gabi matapos itong nagtungo sa kanyang sasakyan upang magpalit ng damit mula sa paglalahad ng kanyang talumpati sa dinaluhan nitong miting de avance.

Saad nito na simula pagkaupo niya bilang election officer ng bayan ay walang anumang nangyaring insidente kagaya ng ganitong krimen at bagkus ay payapa ang pangkalahatang estado ng pulitika sa kanilang lugar.

Ani Mendiguarin na kinakailangan niya itong isangguni kay Atty. Marino Salas, Provincial Election Supervisor ng Commission on Elections Pangasinan at makipagugnayan sa Aguilar Municipal Police Station upang masusing imbestigahan ang tunay na nangyari .

Dagdag nito na iimbestigahan din kung bakit walang permiso ang mga organizer ng naturang miting de avance na isagawa ito upang mabigyan ng security ang mga kandidato para sa kanilang rally