BACOLOD CITY – Mamayang gabi na ang Handog Dance Showdown Competition ng Bombo Radyo at Star FM bilang handog pasasalamat sa MassKara Festival 2019.

Sampung dance groups mula sa Bacolod at ibang bahagi ng Negros Occidental ang magpapasiklaban sa Bacolod public plaza mula alas-6:00 ng gabi.

Ito ay kinabibilangan ng Ang Mananayaw Dance Troupe (AMDT) mula sa Carlos Hilado Memorial State College Fortune Town Campus; Xclusive; Break Point; New Generation Family; The Majestic; Next Step; VMA WAT Crew; CAPA – CHMSC Alijis Performing Arts, Maalwan Come Back; at ang defending champion na si United Free Stylerz.

Malalaki namang papremyo ang naghihintay sa mga mananalo.

Maliban sa mga dance groups, masasaksihan din ang performance ng mga stand-up comedians at ang inaabangang cast ng Toyang Ermitanya na siyang “longest running radio drama” sa bansa.