-- Advertisements --
duterte side view

Nagbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang pagtatanggalin ang lahat ng mga opisyal sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ang babala ng Pangulo na massive revamp ay kasunod nang pagkakabulgar sa pagdinig sa Senado na talamak pa rin na korapsiyon na sa BuCor lalo na sa News Bilibid Prisons (NBP) ginagawa sa iba’t ibang pamamaraan.

Ikinalungkot ng Pangulo ang umano’y pinaggagawa ng ilang mga opisyal ng BuCor na kanya kanya ng istilo para kumita.

Ikinagalit din ng Pangulong Duterte ang pag-abuso sa puwesto ng naturang mga opisyal.

Hindi naman nabanggit ng Presidente kung kelan niya ipapatupad ang massive revamp sa Bureau of Corrections.

“So setting aside all the legal infirmities there, even if it was allowed, corruption was present. Sabihin ko lang sa inyo. And everybody will go,” ani Pangulong Duterte.

Una nang tinanggal ng Presidente si BuCor chief Nicanor Faeldon kasunod nang muntikan nang pagpalaya kay convicted rapist at murderer dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ang isyu kay Sanchez ay nagbukas sa usapin ng “GCTA for sale” hanggang sa iniutos ng chief executive na pabalikin at pasukuin ang nasa halos 2,000 mga inmates na napalaya na.