-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Inaasahang magsasagawa ng mass testing o malawakang pagsusuri ang city inter-agency task force sa pagsisimula ng operasyon ng kauna unahang Covid-19 testing center sa Ilagan City.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan, inaasahang magbubukas na ang COVID-19 testing center ngayong linggo matapos na makapasa ito sa standard ng DOH region 2.

Sinabi ni City Mayor Jose Marie Diaz na sa pamamagitan ng mass testing ay matutukoy ang totoong estado ng COVID-19 sa Ilagan City at magiging paraan ito para makabuo ng hakbang ang lokal na pamahalaan kung papaano mabigyan ng solusyon ang estado ng Virus sa Lunsod.

paliwanag pa ng punong lungsod na inaasahan na ang pagsipa ng kaso ng COVId 19 oras na simulan ang mass testing.